Saturday, September 28, 2013

Kelan ka huling umiyak?

*cry si wata*
Isabela: Ngayon ko lang ulit nakita umiyak si Lianza, huli kong nakita umiyak yan sa kusina pa namin. May iniiyakang lalaki
Reymarie: Huli kong nakita yan.. *blah blah blah* Nakalimutan ko na. Hahaha
Leslie: Ako nung *blah blah blah* Syempre, forgetsung ko na din. Hahaha

Hahaha, ganyan ang mga kaibigan ko, imbis na icomfort ako, mag to-throwback muna kung kelan ako huling nakita umiyak. But one thing is for sure, sa lahat ng kinwento nila. Lalaki ang dahilan ng pag iyak ko. Hahaha. Alam kong wala na akong makikita pang totoong kaibigan na kasing totoo nila. Ilang taon na din kaming magkakaibigan. Iilan na nga lang kaming matatatag sa tropa namin. Alam kong hindi nila ako iiwan kahit anong mangyari, at mas lalong hinding hindi ko sila iiwan. I'm more than blessed na kaibigan ko sila. 

Lola at bulag

Kahapon (September 26, 2013) ay este nung isang arawa na pala kasi 12am na (Sept. 28) na. Hahah  Pauwi na ako from school. Siguro around 9:15pm dumating yung bus sa park n ride. Syempre ang same scenario sa park n ride ala isaw ang pila. Lecheng bus scheme Nung naka-upo na ako syempre relaxed na ako. Balak ko pa nga sana matulog kasi babangag-bangag pa ako nun. Tas nung may mga nag standing na, wit pa din ako care. Pero nung nakita kong may matanda na babae inshort lola, and may edad na din na lalaki tas bulag anak niya ata. Nagka ulirat ako. Di niyo man alam o di man halata sakin I have a soft spot about sa mga matatanda lalo na pag lola, kasi never masusukat kung gaano ko kamahal ang lola ko. Going back. Nag iintay ako na baka may magpa upo na lalaki sa 2. Aba aba, wala!! So hindi na ako nag dalawang isip na paupuin sila. Tumayo ako then yung mga lalaki lumingon sakin. For sure nagulat sila. And btw, may tinignan akong lalaki na sure ako nagulat kasi nanlaki yung mata niya. Nung umupo na yung matanda, naiwan nakatayo yung bulag. Then yung babae sa kabilang upuan siya naman yung tumayo para paupuin yung lalaking bulag.

Matanong ko nga, wala na bang gentleman ngayon? Pag maganda lang ba sila nagpapa upo, hindi ba pwede pag matanda din at disabled. Nakaka inis lang. I'm not bragging myself na mabait ako. Alam ko namang hindi. Pero the fact na mga babae pa ang nagpa upo sa mga ganun. BAAAAKIT? Hindi ko talaga maintindihan. 

Tuesday, September 03, 2013

My ear and my heart


As of 3rd of September 2013, it has been a month and 12 days. Yung 2nd pierce na to ay parang puso ko. Huehue icompare ba daw ang tenga sa puso Nag dudugo pa din kasi pag tinatanggal ko yung hikaw. Parang puso ko, okay na ako kung iisipin at titignan pero pag naaalala ko siya and kung iniisip or iniimagine ko na magkakaroroon na siya ng iba, masakit pa din e. Okay na din ako na hindi kami magka balikan pero hindi pa ako ready makita siya na masaya na sa ibang tao. And not to mention yung araw na pinabutas ko to saktong araw na 3rd monthsary dapat namin, kaso hindi na talaga inabot. Yung "sakit daw" ng pagpapa butas ay walang panama sa sakit ng puso ko nung araw na yun, na parang literal na talaga.