Saturday, September 28, 2013

Kelan ka huling umiyak?

*cry si wata*
Isabela: Ngayon ko lang ulit nakita umiyak si Lianza, huli kong nakita umiyak yan sa kusina pa namin. May iniiyakang lalaki
Reymarie: Huli kong nakita yan.. *blah blah blah* Nakalimutan ko na. Hahaha
Leslie: Ako nung *blah blah blah* Syempre, forgetsung ko na din. Hahaha

Hahaha, ganyan ang mga kaibigan ko, imbis na icomfort ako, mag to-throwback muna kung kelan ako huling nakita umiyak. But one thing is for sure, sa lahat ng kinwento nila. Lalaki ang dahilan ng pag iyak ko. Hahaha. Alam kong wala na akong makikita pang totoong kaibigan na kasing totoo nila. Ilang taon na din kaming magkakaibigan. Iilan na nga lang kaming matatatag sa tropa namin. Alam kong hindi nila ako iiwan kahit anong mangyari, at mas lalong hinding hindi ko sila iiwan. I'm more than blessed na kaibigan ko sila. 

Lola at bulag

Kahapon (September 26, 2013) ay este nung isang arawa na pala kasi 12am na (Sept. 28) na. Hahah  Pauwi na ako from school. Siguro around 9:15pm dumating yung bus sa park n ride. Syempre ang same scenario sa park n ride ala isaw ang pila. Lecheng bus scheme Nung naka-upo na ako syempre relaxed na ako. Balak ko pa nga sana matulog kasi babangag-bangag pa ako nun. Tas nung may mga nag standing na, wit pa din ako care. Pero nung nakita kong may matanda na babae inshort lola, and may edad na din na lalaki tas bulag anak niya ata. Nagka ulirat ako. Di niyo man alam o di man halata sakin I have a soft spot about sa mga matatanda lalo na pag lola, kasi never masusukat kung gaano ko kamahal ang lola ko. Going back. Nag iintay ako na baka may magpa upo na lalaki sa 2. Aba aba, wala!! So hindi na ako nag dalawang isip na paupuin sila. Tumayo ako then yung mga lalaki lumingon sakin. For sure nagulat sila. And btw, may tinignan akong lalaki na sure ako nagulat kasi nanlaki yung mata niya. Nung umupo na yung matanda, naiwan nakatayo yung bulag. Then yung babae sa kabilang upuan siya naman yung tumayo para paupuin yung lalaking bulag.

Matanong ko nga, wala na bang gentleman ngayon? Pag maganda lang ba sila nagpapa upo, hindi ba pwede pag matanda din at disabled. Nakaka inis lang. I'm not bragging myself na mabait ako. Alam ko namang hindi. Pero the fact na mga babae pa ang nagpa upo sa mga ganun. BAAAAKIT? Hindi ko talaga maintindihan. 

Tuesday, September 03, 2013

My ear and my heart


As of 3rd of September 2013, it has been a month and 12 days. Yung 2nd pierce na to ay parang puso ko. Huehue icompare ba daw ang tenga sa puso Nag dudugo pa din kasi pag tinatanggal ko yung hikaw. Parang puso ko, okay na ako kung iisipin at titignan pero pag naaalala ko siya and kung iniisip or iniimagine ko na magkakaroroon na siya ng iba, masakit pa din e. Okay na din ako na hindi kami magka balikan pero hindi pa ako ready makita siya na masaya na sa ibang tao. And not to mention yung araw na pinabutas ko to saktong araw na 3rd monthsary dapat namin, kaso hindi na talaga inabot. Yung "sakit daw" ng pagpapa butas ay walang panama sa sakit ng puso ko nung araw na yun, na parang literal na talaga.

Friday, August 16, 2013

Para sa taong..

16 of August 2013. 19 na siya oh! 12 a.m na e. Huehue

" Happy birthday sa taong nakilala ko sa speech com. Sa taong makakacrush sayo sinabihan lang ng sorry nakulitan lang. Sa taong hindi ko makikilala kung hindi ako magtatanong ng grade. Sa taong kaya sumama sa mga babae manuod ng sine kahit siya lang ang lalaki. Sa taong idedelete yung number mo porket hindi mo nireplyan. Sa taong ang daldal nung nakatext ka na. Sa taong sabi matutulog na daw ng 11 inabot pa ng 4.  Sa taong ayaw sabihin sinong crush niya. Sa taong ipapahenna ang pangalan ng crush in japanese font. Sa taong secret lover ang tawag sa sarili. Sa taong basa ang kilikili. Sa taong nakakulitan sa Pedro Gil pauwi. Sa taong naiilang kapag pinapanuod mag practice ng wolf. Sa taong yayain ka mag sine at kumain. Sa taong kakain ng tokyo-tokyo kahit ayaw niya ng seafood at parang nuggets lang ang kinain. Sa taong makakasama mo mag sine. Sa taong makakasama mo mag arcade. Sa taong inaasar ka na baboy pero unang una magalit kapag hindi ka nakain ng dinner. Sa taong okay lang masktan basta matuwa lang ka na kagatin siya. Sa taong minahal ko na agad. Sa taong walang akong masabi sa bait. Sa taong nakilala ko na lalaking puro plano sa buhay. Sa taong iniisip muna ang iba bago ang sarili. Sa taong tinitibok pa din ng puso ko kahit broken hearted naa. Sa taong mahal ko pa din. Sa taong gusto ko pa sana makasama. Sa taong minahal ako. Sa taong nawala sa simpleng away. Sa taong pinasaya ako. Again happy birthday. Tanda mo naaa! Aral lang ng aral. Stay happy. Godbless. May he grant all your wishes. :) "

Birthday message ko kay George Henry Moral Llamas. Hihi

Friday, August 09, 2013

Passes by..

Does time heals everything or distance makes the heart grows fonder? (Pang mag-jowa? Haha)
Ano nga ba ang nangyari samin ng "kaibigan" ko. Yes. Kaibigan. I still can call her my friend. Kahit galit ako sakanya. Ganito naman ako kahit pag kaaway yung bestfriend ko. Kahit mag-away kami ng ilang buwan. Kapag nagkita kami at hindi na ako galit, back to normal na. Pero this time hindi bestfriend ko yung kaaway ko. Friend ko siya ngayong college. I can say. Isa na siya sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. Dahil alam niya ang mga kabal-balan kong ginagawa. Siguro ang pinaka simula nito ay nung niloloko ko siya/sila ng mga friends ko na sila ang dahilan bat kami ng break ng boyfriend ko. Pero siguro dito talaga nagsimula, yung nasabi ko sa last post ko na hindi natuloy yung pagsali namin ng contest na sobra namin pinag-brainstrom-an. Oo aminado ako sobrang nagalit ako. Di na ako magpapaka plastik. Kailangan ko nung pera na sana kung mananalo kami. Malaki yung matutulong sakin. Ang the fact na feeling ko na betray ako ng isang kaibigan. Oo nagka sakit siya. Sige. Pero yung mag makita kang picture niya sa FB na nakapag shoot naman siya sa ibang grupo pero samin hindi. Hindi ko naman matatangi na yun talaga yung circle of friends niya una palang. Oo siguro masasabi ko na may pagka O.A yung galit ko. Ewan ko bakit. Maybe full of shits talaga ako nung mga panahon na to. Pag ako galit sa kaibigan, hindi kita aawayin na putakan. Mananahimik lang ako na parang hindi ka nag eexist. Same as her. Hindi din siya nag sasalita. Dumating yung time na birthday nung friend namin. Binigyan niya ng letter, birthday greeting and explanation ng side niya. Una hindi pa ako ganun ka-affected kasi kakaiyak ko lang nun and may iba akong kausap nung pinabasa sakin. Then when I gather my self up. Noon ko na inisip kung ano magiging react ko. Syempre hindi maganda. Pinalampas ko muna. Ewan ko ba kung anong espiritu ng bertud ang sumapi sakin na naisipan ko mag reply sa letter niya. Sinabi ko naman yung side ko. Since then hindi na kami nagpansinan. Yung mga group projects namin hindi na rin namin siya ka-group. Sakin wala naman kung ka-group namin siya. I can work professionally. And as time passes, mas mukang nagiging imposible na maging maayos kami. Na kahit yung bestfriend niya, tried to reach out sa isa namin kaibigan. Di ko magawang lumapit. Kasi I still have my PRIDE. But IF, she ever tried to reach out on me, NEVER siyang magsisisi. I'm open na magka ayos. Pero hindi ako yung first move.

Friday, August 02, 2013

Why oh why July?

Oooh July! Salamat at natapos ka na! Pero matanong nga kita, ano ba problema mo sakin ha?! Bat ang dami mong kamalasan, ka-haggardness-an na dala? di kasi kinakausap ang July
Things to do:
- Short film for AV Faith
- Beat sa Journ
- TVC sa BroadMed
- Shortfilm sa BroadMed
- Assistant Stage Manager sa Batingaw
So dito na nagsimula. Tambak ang gawain. Ang hirap pag sabay-sabayin. Short film sa AV Faith, Wooo!! AYOS TROPA KASAMA! Madali matatapos to kasi gamay na namin isa't-isa. E kaso di ganun nangyari. Nagka problema sa mga actors, ang hirap nila pag sama-samahin, e may mga scenes na dapat magkakasama sila. Kulang sa actors, osige kahit ako aarte na din. Ang tagal ng brainstroming na to, ang idea namin 7 deadly sin. Okay na ang lahat. Okay naaa..at biglang di na natuloy. Sakit bro. :( Kala ko eto na din yung mapapasa ko sa Short film sa BroadMed. Kaso wala e. Saaaakit! Ajuju :( Kala ko mananalo na kami ng 50K cash prize oh! Yaah, I know. Feeler ako na mananalo kami.
Beat sa Journ. Ajuju :'( pano gagawin ko. -___- NAIA II? Hiraaaap! Ang layo, wala pang backer, anong topic naman gagawin ko? -___- Buti nalang nanjang si Mujang, saviour ko! Kaya POEA nalang gagawin ko. ;) Backer ko na nanay ko, may idea pa ako ano pwede kong idiscuss na topic. Pero ayun nga, August na di ko pa din napapasa, pero tapos na. :)
TVC sa BroadMed. Nairaos naman. Literal na nairaos. Isang araw na shoot. Pero ano nangyari sa edit? Slideshow/powerpoint ba itey? Gaano katagal yung time para pwede iedit. Tapos hindi pa din napapasa, pano nalang prelim grade ko nito. -___- Plus panibagong problema, shortfilm naaa. Somelike My husband's lover or Apoy sa dagat daw ang dapat peg ng gagawin namin. Luuh. -___- *face palm bro*
Assistant Stage Manager naman sa Batingaw. OhMy. -__- Alam kong nakaka stress ang pagiging stage manager kasi naranasan ko na to nung General Assembly, takbo dito, takbo dun. Tanungan ka kung ano susunod na production. Ka-stress talaga -__-" Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko sa Batingaw. Push pa sis! Di ko pa ganun karamdam yung pagiging aligaga ngayon kasi wala pa kami sa blockings, puro workshops palang. Pero one thing is for sure, mas nakaka aligaga to. Kasi Post-Anniv na to!

Pero ang pinaka BIGTIME na stress sa July ko, e yung mawala yung taong mahal ko. Ooops, mali. Mawala sakin yung taong SOBRANG MAHAL NA MAHAL KO. July 21 yun oh, simpleng usapan lang kung ano gagawin bukas na 3rd month. Ayun nauwi sa di pagkakaintindihan at eto na, we seperate your ways. Kaya ko naman gawin lahat ng projects at requirements e. Pero ang pinaka mahirap atang project ko ngayon ay ang mag move on. Sorry na sa drama.