16 of August 2013. 19 na siya oh! 12 a.m na e. Huehue
" Happy birthday sa taong nakilala ko sa speech com. Sa taong makakacrush sayo sinabihan lang ng sorry nakulitan lang. Sa taong hindi ko makikilala kung hindi ako magtatanong ng grade. Sa taong kaya sumama sa mga babae manuod ng sine kahit siya lang ang lalaki. Sa taong idedelete yung number mo porket hindi mo nireplyan. Sa taong ang daldal nung nakatext ka na. Sa taong sabi matutulog na daw ng 11 inabot pa ng 4. Sa taong ayaw sabihin sinong crush niya. Sa taong ipapahenna ang pangalan ng crush in japanese font. Sa taong secret lover ang tawag sa sarili. Sa taong basa ang kilikili. Sa taong nakakulitan sa Pedro Gil pauwi. Sa taong naiilang kapag pinapanuod mag practice ng wolf. Sa taong yayain ka mag sine at kumain. Sa taong kakain ng tokyo-tokyo kahit ayaw niya ng seafood at parang nuggets lang ang kinain. Sa taong makakasama mo mag sine. Sa taong makakasama mo mag arcade. Sa taong inaasar ka na baboy pero unang una magalit kapag hindi ka nakain ng dinner. Sa taong okay lang masktan basta matuwa lang ka na kagatin siya. Sa taong minahal ko na agad. Sa taong walang akong masabi sa bait. Sa taong nakilala ko na lalaking puro plano sa buhay. Sa taong iniisip muna ang iba bago ang sarili. Sa taong tinitibok pa din ng puso ko kahit broken hearted naa. Sa taong mahal ko pa din. Sa taong gusto ko pa sana makasama. Sa taong minahal ako. Sa taong nawala sa simpleng away. Sa taong pinasaya ako. Again happy birthday. Tanda mo naaa! Aral lang ng aral. Stay happy. Godbless. May he grant all your wishes. :) "
Birthday message ko kay George Henry Moral Llamas. Hihi
No comments:
Post a Comment